obra

July 28th, 2008 by testes

nagluto ako ng binagoongan

ampanget ng kinalabasan…

**i ended up eating it. haha.

tutang kalye

July 15th, 2008 by testes

Pasado alas tres na ng madaling araw, heto’t dilat pa rin ako. Hindi pa naman hell week pero madami ng ginagawa. Kakatapos ko lang isummarize yung irereport ko para sa Historical Geology class ko. Kakatapos ko rin lang itranscribe yung interview na ginawa ko kay Sir Jun Marforio ng Cummins Technical Training Center. Kung ano yun, abangan niyo na lang sa coming issue ng The New Builder. Para sa mga di Mapuan, message niyo ko. Yun e kung interesado kayo, haha! Eniweis, gusto ko lang iclear na di ako nagrereklamo dahil sa napupuyat ako sa tambak ng trabaho. Actually, natutuwa pa nga ako (o di ba parang luka luka lang), siguro namiss ko lang yung nagtatrabaho ng ganitong ‘wee hours’ ng umaga (hello, call center is that you?). Yun nga lang, di na ko sumusuweldo ng limpak limpak na salapi (OA, haha). Pero ewan ko ba, trip ko talaga ang nagpupuyat. Hindi ko alam kung bakit. Ikaw ba trip mo rin magpuyat?

*************************************************************************

Pagkatapos, manganak ni chuchu ng anim na tuta, isa ang nadedo, apat ang naipamigay, at isang cute na cute ang naiwan sa poder namin. Ang usapan ipapamigay ang lahat ng mga anak e ang kaso di ko maiwasang maantig sa hitsura ng tuta. Ang cutie cute kasi. Parang siyang tedi ber na tigbebente pesos na mabibili sa bangketa ng divisoria. kahit di nagmana sa ermats niyang maputi e ok lang. Pasok siya sa aking banga!  Kaya lang wala pa kong maisip na magandang name para sa kanya. may suggest ka? Heto ang ilan sa mga kodak moments niya. Pasensya at mahiyain ayaw humarap sa camera e. Hehe.

(sa tonong patwDsc01629eetums) Awwww…isn’t she cute? Dsc01534

                                                 

ninakawan ako ng…

July 11th, 2008 by testes

coin purse kanina sa cubao! yung doraemon kong coin purse. yung blue. yung bilog. huhuhu. hindi ko alam kung saan eksaktong lugar ako ninakawan. pero alam kong sa cubao nangyari ang insidente. nalaman kong nawawala si doraemon nung asa mcdo na ko. dudukot sana ako ng pambili ng prenchfries at float. kaya lang laking taka ko bukas yung outer zipper ng bag ko. mabuti na lang kamo at di nakulimbat ang ID ko pati yung earphone ng cellphone ko. Pati USB ko ay nakaligtas pa rin hay. Buti din di nilaslas ang bag ko at kung hindi, nadale na ang cellphone ko. magaupload pa naman ako ng pics ng rivermaya haha.

siguro minumura na ko nung nagnenok ng coin purse ko, puro mamiso at isang beinte pesos na lang laman nun e. wahahaha.

first

July 7th, 2008 by testes

First day of school namin kanina. First term. at siyempre mga First years. Pero di sila ang paguusapan ko ngayon haha. First day pa lang andami ng pakulo sa campus. Andiyang merong orientation ek-ek na ginanap sa gym. Tapos sangkatutak na booths (na di ko pa nachecheck). At of course naman, mawawala ba naman ang mga food booths! Dun ko nagdecide na bumili ng lunch ko kasama ang co-Builders. Isnab ang beauty ng canteen sa dami ng pagkain na mapagpipilian. Ayun tingin tingin muna - merong empanada, rice in a box, calamares, shawarma, mangga!, at iba pang mouth-watering foods na di mo makikita sa canteen. Umorder ako ng food dun sa hmmm…wala akong maisip na magandang description pero katabi siya ng shake. Pero di yun ang kekwento ko. Naku kung di pa kayo nadaan dun food booths. Hay naku, humanda handa kayo dun sa nagtitinda ng shakes. Yes! May isang ‘ate’ dun na di katangkaran ang napakasungit. Subukan niyo lang magbigay ng 500 o kaya 1,000 bill para mas bongga, at ewan ko na lang kung di ka niya ismiran at taasan ng kilay. Grabe. Ganun ang nangyari sa akin. Kaya naman nung nanghingi siya ng limang piso sa akin, di ko binigyan kahit meron ako haha. Maldita ka ate ha first day na first day e….

*********************************************************************

pagbaba namin dun sa food booth. Siyang saktong nakita namin si Sir Benny. as usual napakaenergetic na naman niya, at as usual proud na proud si mader sa ginawang presentation na ginawa niya na pinakita dun sa orientation program. At isa pang as usual humingi siya ng nod of approval sa amin. At last na as usual, todo puri naman kami sa ginawa niya. Pampalaki lang ng ulo siguro hehe.

**********************************************************************

4.30 ang pasok ko pag Lunes kaya naman sobrang tengga lang tayo magdamag nun. Mining ang una kong subject at first time kong magiging prof ang Dean namin. Ayon sa mga feedback na aking naririnig nakakatakot daw siya. At siyang tunay naman talaga no! Di lang nakakatakot ang boses niyang parang kulang na lang utusan kong bumili ng suka sa kabilang bundok, pati ang kanyang fez. haha. Oi dont get me wrong may ichura ang dean namin sa malayuan. Pero ng makakuha ako ng chance na maaninag ng close-up ang ang kanyang face value…..wahahaha….kayo na lang ang tumingin haha.

*************************************************************

ok tama na nga at baka makarma pa ko neto ng di oras. haha. eniweis. napakalupit nga naman talaga netong si dean. akalain mo ba namang magpaassignment na kaagad. at di pa nakuntento ang hitad, magpapaquiz pa sa next meeting. hahay….

***********************************************************

o trip lang ulit post ko sched ko. pampadami ng malalagay haha.

Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

Saturday

Sunday

7:30 AM

9:00 AM

10:30 AM

12:00 PM

GEO105P
C1
W413

1:30 PM

CE461
B1
S104

CE461L
B1
S104

CHM200L
B11
N406

GEO105P
C1
W413

3:00 PM

CE461
B1
S104

CE461L
B1
S104

CHM200L
B11
N406

GEO105P
C1
W413

4:30 PM

GEO301
C5
N210

GEO104
C2
N210

CE461L
B1
S104

CHM200L
B11
N406

GEO105P
C1
W413

6:00 PM

GEO301
C5
N210

GEO104
C2
N210

GEO105P
C1
W413

7:30 PM

GEO301
C5
N210

god knows hudas not pay at amoy mama

June 2nd, 2008 by testes

Ayokong sabihing malas ako ngayon. Dahil alam kong may mas mamalas pa sa araw na to no. Pero isa ito sa dinami daming malas na araw sa buong buhay ko. mmmm…so far…umpisahan na….

Bago pumasok. Ang gara gara pa ng mode ko kanina. Feeling mayaman ako dahil nagpadala ang nanay ko ng allowance. Kaya naman imbes na bus ang sakyan ko papasok e FX ang sinakyan ko. Paghugot ko ng wallet ko, nagtataka ako bakit wala yung lalagyan ko ng mga atm ko? hmmm, di na muna ako nagpanic. Kinapa-kapa ko muna ang mga bulsa sa bag ko. Sa harap. wala. Yung dalawang tagiliran. Wala din. Baka nadaganan ng mga sangkaterbang iskratch paper sa bag ko. wala din. Naku. Unti unti na kong kinakain ng taranta. Shetkong naman. Isa lang ang pwedeng rason: NAIWAN KO YUNG LALAGYAN KO NG ATM!!!! Di bale titingnan ko kung magkakasya pa yung natirang barya barya ko. Nakupo. Hindi na. Wala akong magagawa. Nagbagong anyo na muna ako - mukhang nagmamakaawang estudyante at sabay sabi kay mamang drayber na : "Manong pakibaba na lang po ako diyan. Naiwan ko po yung wallet ko. Wala akong pambabayad sa inyo.." Aba! tumalab hehe. At kung ayaw mo pang maniwala, akalain mo ba naman offeran pa ko ni manong drayber ng dagdag pasahe. Hahaha. Ayos. pero sinabi ko na lang na meron pa ko pamasahe pauwi.

Pero di na ko umuwi. Dahil gusto kong magpagoodshot sa ANACHEM prof ko. Ni isang klase niya wala pa kong napasukang maaga. Kaya kinalkal ko na lahat ng sulok ng bag para makumpleto ko lang pamasahe ko papuntang eskwela. At after ilang minuto ng paghahanap, nakaipon ako ng beinte pesos. pwede na yun. ang ending ko bus pa rin. Alam kong kulang pamasahe ko. At alam ko ding di na ko uusisain ng konduktor kung san ako bababa kapag sakto ang pamasahe ko. wahahahaha…..

***fast-forward.

Siyempre, nakahiram naman ako sa kaibigan ko ng pera pangkain at pamasahe pauwi. Akala ko all is well na. Hindi pa pala. Dahil walang pera, minabuti ko pang itulog na lang yung gutom ko. E ang kaso di ako makatulog kasi si kuyang pasaherong katabi ko sa FX pauwi, ang LAKAS ng PABANGO. Susko, to the nth power na yata yun. Mas maasim pa kay DATU PUTI!!!! Naku naman, di ko alam kung manhid si kuyang pasahero dahil nakatakip na ang ilong ko, may gana pang itaas ni kuyang pasahero ang isang kamay niya. O di ba! Salong salo ko ang grasya! Guhit na guhit sa baga ko. Sana nga lang di kumapit sa damit ko yung amoy. Eniweis, pinilit ko na lamang tiisin yung sitwasyon kong yun.

So ayan. Napasulat ng wala sa oras. Si Manong kasi e. Haha.

mga repapips

May 27th, 2008 by testes

hello reader. how are you? long time, no write. tagtuyot ang utak ko ngayon e. for the past …… (i lost count na hehe), andami nangyari, sa sobrang dami di ko na alam kung pano ko siya isusulat. ahehe. ayun lang. sige. sabaw talaga. haha.

it’s better to be late than to be later…

January 14th, 2008 by testes

Tabalba

Prof ko sa mechanics. Mabait yan. kahit sure pass siya kinakarir ko ang subject na to. kahit late ako pumasok sa kanya. haha. wala lang. first subject ko siya sa bukas. and as expected, malelate na naman ako malamang. lagi na lang ako late sa kanya. three straight days. walang mintis. buti nga di pa ko nasesermunan ni tanda. haha.

Atienza

Prof ko sa engineering geology na i thought historical geology nung una. Haha. During our first meeting last week, ngayon ko lang narealize na super duper late pala ako dumating sa kanya nun. akala ko maaga na ko for 6pm nun when i just found out na 4.30pm pala ang pasok ko sa kanya. kaya pala wala pang isang oras nagpa-break time muna siya. yun naman pala e 4.30 pala sila nagstart. ngingiti ngiti pa ko ng pumasok ako ng alas sais nun. haha. nice one thessa. sa susunod icheck mong mabuti ang schedule ha!

Vea

pers taym ito para sa akin. makakausap ko bukas si doc vea. yung presidente ngayon ng malayan, este mapua pala. di ko maimagine sarili ko nagiinterview ng tao. di ko nga naimagine na magiging writer ako for a schoolpaper e. pero heto na nga. as soon as our news editor and my partner harold informed me na eto nga at may naka-set na schedule for interview kami kay mr. vea, halong kaba, windang, with butterflies in the stomach (haha) ang naramdaman ko. kelangan ko bang magpormal-pormalan to exude a serious aura? (nyahaha) or should i just wear my "malapit ng makupas na beatles" shirt? hay. naku ha. mastartstruck ba sa isang matandang lalaki na natatakan lang ng mataas posisyon. anyway, chever chever na lang. sana di ako malate sa appointment  bukas. **crossing my fingers**

first day ng klase kong napakawalang kwenta

January 3rd, 2008 by testes

3rd term ko na sa mapua as second year student. ayun. di ako pumasok sa 2 klase ko haha. pero kilala ko na ang mga magiging prof ko…

  • sa physics lec and lab - utanes, sabi nila surepass daw siya.we’ll see…
  • sa math109 - si earnhart. yesss!!!! sure pass na sure pass daw. naku ok lang kahit sino wag lang si jerome dela cruz haha. masaya na ko.
  • sa geochem - si queaƱo. ay….i crush him na…haha..single pa.35 years old.pero mukang bata.haha.

sa mechanics ko nakita ko na rin yung prof pero as of the moment nakalimutan ko pangalan niya, mahirap tandaan.never been heard pa kasi.ok lang basta wag si pilones.hehe.

other chismax - sa geochem class ko, di ko inexpect na magiging classmate ko yung babaeng masama "daw" ang loob sa akin (i put "daw" kasi di naman niya sinabi ng deretchahan sa ken, pero di naman ako manhid para di malaman yun). ayun. deadma mode ang drama namin sa room. e pipito lang kami sa klase.kamusta naman. so this will not be the first time na pwede ko siyang maging classmate. actually second time ko na siyang maging classmate and i know more to come pa.

one more chismax - classmate ko ulit sa geology. naging classmate ko siya sa physics. super mamaru siya ha.leche.ayun lang.natatawa na lang ako sa kanya.

so far, yan ang nanguari sa unang araw ng klase ko. sige pasok na ko ngayon.

my schedule

December 25th, 2007 by testes

hear ye! hear ye! or should i say….

read ye! read ye! heto ang mga kukunin kong subjects for this coming term and my schedule na rin as well. one word: nakakaloka!

My Schedule

Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

Saturday

Sunday

7:30 AM

9:00 AM

10:30 AM

MEC203
A10
SW101

MEC203
A10
SW101

MEC203
A10
SW101

12:00 PM

PHY140L
B2
W308

1:30 PM

PHY140
B1
W302

PHY140L
B2
W308

PHY140
B1
W302

3:00 PM

MATH109
B1
W402

MATH109
B1
W402

PHY140L
B2
W308

MATH109
B1
W402

4:30 PM

GEO300
C3
N210

6:00 PM

GEO300
C3
N210

GEO102
C4
N210

7:30 PM

GEO300
C3
N210

GEO102
C4
N210

yeah i got it.it’s christmas and so?

December 25th, 2007 by testes

Before anything else, Merry Christmas to everybody. Oh well, the past few months, i havent updated my blog and i just felt the urge (urge daw o? haha) right now to post something. anything goes….

  • i flunked two subjects this term - analytic chemistry and probability and statistics. yeah i know. to all my ust batchmates, you might wonder why i still took that f*ckin probstat, go ask the dean of mapua’s mathematics department.it’s a long story and kind of complicated. but then there. bagsak. singko. palakol. for the analytic chem, oh well, no comment.haha.
  • i am now a writer. haha. you wont believe me? you must. haha. ill send you some copies if you want. =P
  • lovelife’s been chasing me recently. ’nuff said.
  • my mom got me a new tent. what has that got to do with you? wala lang. sinabi ko lang. hehe.
  • my digicam’s busted. wala lang din sinabi ko lang.
  • i watched juday and ryan’s movie. ok. pwede niyo na kong ipako sa krus.
  • whatelse?oh yeah.someone pissed me off and someone made me smile. thanks.
  • i got his number. him. he. yes.

ok. ive learned a lot of lessons. lost a helluva weight (hopefully will gain it back again this vacation). looking forward for next year! cheers!